Si Misis Fan Talaga ng Slam Dunk!

Yes and Yes and yes!
Sa tuwing may kapalpakan si Sakuragi, TAWA!
Sa tuwing may nagawang awesome, TAWA!
Pag may improvement si Sakuragi, TAWA!
Basta pag may kwela, TAWA!

Yan ang misis ko., Si kumander ay nanood ulit ng Slam Dunk kahapon. Imaginin mo., ang tagal tagal na talaga ng Slam Dunk, pero tuwang tuwa padin at nag eenjoy talaga siya.

Kahit naman para sakin, ang Slam Dunk ay talagang napaka legend na anime.

Noon pa man'y hindi na ito nakakasawang ulit-ulitin.

Naka ilang beses na rin ako neto eh. Akalain mo ba naman, kahit ako, tuwang tuwa parin kahit ganito na idad ko., para akong binabalik sa pagkabata.

Ang Slam Dunk ang kilala sa pagiging matagalang aksyon, gaya ng nag sabi ko, napakatagal ng mga shots, or basta marami pa kasing kwentong nagaganap.

Napakaraming daldalan bago mangyari ang isang pitmaluhang galaw.

At ang pinaka inaabangan, kung ano ba gagawin ni Sakuragi.

Ang Slam Dunk ang lubhang napakaboring kung wala ang nakakatakut, maangas na si Sakuragi Hanamichi ang may pulang buhok. At sa naaalala ko, siya ang binansagang No Fear na logo kung pagmamasdan mo ang guhit kung papano ang pag drawing sa kanyang mga mata.

Kahit ano paman, MALAKAS talaga ang team ng Shohoku. Lalo pa itong tumindi mula ng late matches na. Dahil napakagaling ng coach nila.

Syempre hindi lang naman dahil sa magaling na coach,. isama mo na dyan ang Manager, 2nd Manager, the starting team, 5 man na sila captain Akagi (gorilya) Mitsui (bungal) Ryota (kulot) ang chrush ng campus Rukawa (si yabang).

Team Shohoku


Ito ay sina

  • #10 Power Forward - Hanamichi Sakuragi
  • #14 Shooting Guard - Hisashi Mitsui
  • #4 Center - Takenori Akagi
  • #7 Point Guard - Ryota Miyagi
  • #11 Small Forward - Kaede Rukawa
  • #5 Small Forward - Kiminobu Kogure
  • #6 Point Guard - Yasuharu Yasuda
  • #8 Power Forward - Tetsushi Shiozaki
  • #9 Center - Satoru Kakuta
  • #12 - Kentaro Iishi
  • #13 - Satoro Sasaoka
  • #15 Point Guard - Toki Kuwata
  • Coach - Mitsuyoshi Anzai
  • Manager - Ayako
  • 2nd Manager - Haruko Akagi

Iba ka talaga Henyo! Iba kang tukmol ka Sakuragi! Isa kang ALAMAT! Walang kang katulad.

Well, ganito sila ka lakas;

Practice Matches:

Shohoku vs Ryonan (86 - 87)
Shohoku vs Takezono (88 - 70)
Shohoku vs Ryokofu (75 - 74)
Shohoku vs Jousei (73 - 72) #1
Shohoku vs Ryonan/Shoyo (76-74) (Only Anime)  - (Last match nila bago mag-InterHigh)

Kanagawa Preliminaries

Round 1: Shohoku vs Miuradai (114 - 51)
Round 2: Shohoku vs Kakuya (160 - 24)
Round 3: Shohoku vs Kouhata (103 - 59)
Round 4: Shohoku vs Tsukubu (111 - 79)

Team District Block Final (Quarter Final Top 8 of 4 Blocks of Kanagawa District)
Quarter Final: Shohoku vs Shoyo (62 - 60)

Kanagawa Finals

Final Round 1: Shohoku vs Kainan (88 - 89) - (Dito lang sila natalo.)
Final Round 2: Shohoku vs Takezoto  (120 - 81)
Final Round 3: Shohoku vs Ryonan (70 - 66)


Mga inaabangan habang nanonood;

  • Maka gawa ng pitmalung galaw si Sakuragi.
  • Maka tira si Mitsui ng tres.
  • Maka gaano ka bilis ba talaga si Ryota bilang pointguard.
  • Bakit si Rukawa ang pinaka ACE Player ng boong distrito.
  • Pag mag gorilya dunk si Akagi.

Mga hindi/unexpected na magaganap;

  • Naka pag jumpshot si Sakuragi.
  • Naka lusot si Ryota kay Sendo ng Ryonan.
  • Mitsui mahina stamena.

Suporta ng mga kaibigan;

Isa sa napakagandang nangyayari dito, ay dahil sa mga suporta ng kani-kanilang mga kaibigan/tagahanga.

Sa totoo lang, napakarami pa akong idadagdag dito. Pero sa ngayon, ito lang muna sa kadahilang nakalimutan ko na din kasi ang napakaraming masasayang nangyari sa anime ng Slam Dunk.

Na alala ko ito dati, kaya daw na hinto ang anime na ito, ay dahil pumanaw daw ung nag sulat. Kaya hindi na nasundan.

Pero ang totoo pala, hindi nagkasundo ang Author at ang Publisher. Kaya ayan, ngayon lng ulit nag resume ang Slam Dunk.

Sa mga fan neto, ang Slam Dunk tagalog dubbed ay talagang napakaganda. 

Ganon paman, welcome to Inter-High!

No comments:

Post a Comment